Narito ang mga nangungunang balita ngayong MONDAY, JANUARY 24, 2022:

·Comelec checkpoint sa Batasan-San Mateo Rd., mahigpit na binabantayan; Vaccination card ng mga pasahero at driver, mabusising tinitingnan
·Binabantayang low pressure area, papalapit sa Eastern Mindanao
·Ilan sa pinakamahahalagang isyu ng bansa at mga kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan, sinagot ng 4 na presidential aspirants/ VP Robredo: Hindi natin nai-implement nang maayos ang batas sa vote-buying/ Robredo: Kahit hindi na-unite ang presidential candidates, na-unite naman ang iba't ibang grupo na hindi politiko/ Sen. Pacquiao, hindi sang-ayon sa same sex marriage/ Pacquiao: Ayaw ko ng korupsyon. Hindi dapat tino-tolerate ang masasamang gawain/ Sen. Lacson, itinangging kasama siya sa umano’y elite torture group noong martial law/ Lacson, ipinaliwanag kung paano nagbago ang kanyang pananaw sa death penalty matapos makapanood ng isang pelikula/ Mayor Isko, ipinaliwanag ang pagpapalipat-lipat ng partido/ Moreno, wala raw nakikitang mali sa paglaki ng kanyang SALN dahil sa mga hindi nagastos na campaign donations basta nagbabayad ng buwis
·Pahayag ng GMA Network kaugnay ng alegasyon ng kampo ni Bongbong Marcos na biased si GMA News Pillar Jessica Soho
·Pamilya ni Dingdong Dantes, tinamaan ng COVID-19
·Panayam kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay
·Pinoy boxer Mark Magsayo, itinanghal na WBC Featherweight champion
·Habulan ng 2 suspek at mga pulis, nahuli-cam
·Tatlong lalaking naaktuhan umanong bumabatak ng shabu, arestado
·Ilang klase ng tinapay, nagmahal kasunod ng pagtaas-presyo ng harina at asukal
·Presyo ng ilang sariwang isda sa Malabon, tumaas dahil sa mababang supply
·Rainfall warning, nakataas sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa trough o extension ng low pressure area
·Apat na presidential aspirants, inihayag ang posisyon sa iba pang isyu sa The Jessica Soho Presidential Interviews
·Bakunahan para sa mga pasahero at mga transport worker, sisimulan sa PITX ngayong araw hanggang sa Jan. 28
·Pickup sa Tangub, Misamis Occidental, tinangay
·Boses ng masa: Sang-ayon ba kayo na unti-unti nang itigil ang facility-based quarantine at isailalim na lang sa home quarantine ang mga dumarating sa Pilipinas?
·29,828, bagong COVID-19 cases, naitala
·Mga nabakunahan ng Sputnik V, mas napapanatili ang dami ng antibodies laban sa Omicron variant kumpara sa mga nabakunahan ng Pfizer vaccine
·Drone show na may tema ukol sa COVID-19 pandemic, dinagsa